Akma ba ang itsura mo sa edad mo? Sa ibang mga kultura ay ipinagbabawal ang pagtatanong ng edad sa mga babae. Hindi raw ito etikal. Kaya naalala ko nang nagkaroon ng Pilipina na ka-chat ang isang kaklase kong taga Timog Asya dati. Tinanong niya muna ako kung maari raw niyang itanong sa ka-chat niyang Pinay kung ilang taon na ito dahil sa kanila raw ay bawal ito. Mahirap na basta na lang itanong ang edad ng isang tao lalo na sa babae na parang mas nakakatanda sa atin. Minsan parang nababastusan sila. Kaya mag-ingat. Huwag agad-agad magtatanong ng edad kung ayaw na masungitan.