Ano nga ba talaga ang magandang regalo? Madalas naririnig ang tanong na yan ngayon. Ilang araw na lang kasi ay darating na naman ang Pasko. Maraming tao ang nag-iisip kung paano ang mag-celebrate ng Pasko. Kasama na rito ang pagbibigay ng regalo. Kapag Pasko nagbibigayan ng regalo ang mga tao kahit ang iba sa kanila ay hindi naman talaga alam kung ano ang totoong halaga ng okasyon. Mas pinaghahandaan ang regalo at celebration, pero hindi para sa totoong may kaarawan. Iba-iba ang pananaw ng tao sa regalo. Sa regalo ba nasasabi ang halaga ng pagmamahal ng isang tao sa kanyang binibigyan? Ito ba ang batayan ng pagiging mabuting kalooban o pagiging galante ng isang nagbibigay? Paano ba masasabing maganda ang regalo? Mahalaga ang intensyon ng nagbibigay. Pero naka d epende rin sa tumatanggap nito ang pagbibigay ng halaga sa regalong nakuha. Dapat daw alam mo ang gusto o kailangan ng pagbibigyan. Magagamit ba niya? o Magugusutuhan ba niya? Kailang...