Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Bakit Ang Hilig Natin sa "Instant"?

Bakit nga ba mabenta sa atin mga Pilipino ang mga "instant"?  Dati kung mayroon kang polaroid na camera sikat ka kasi instant ang pag develop ng larawan. Hindi mo na kailangan iwan ang film para makita ang litrato mo. Ngayon naman may digital camera, DSLR at camera phones na may instant ganda dahil sa mga application. 

Bakit ang Hirap Aminin ng Nararamdaman?

Gusto mo siya pero hindi mo alam paano sasabihin. Nagseselos ka pero wala kang magawa kung hindi magalit sa taong umaagaw sa atensyon ng taong gusto mo kahit hindi kayo. Bukas makalawa gusto na ng taong gusto mo ang pinagseselosan mo.  Ang hindi natin alam ay kung ano ba ang nararamdaman para sa atin ng taong gusto natin. Paano kung gusto rin pala nila tayo? Pero dahil hindi natin masabi ang nararamdaman natin ay ibinaling na lang ng gusto natin sa iba ang kanilang atensyon…sa taong malayang nagpapahayag sa kanila ng damdamin. Bakit nga ba ang hirap umamin ng nararamdaman?

Bakit Lahat Binabahagi Online?

Bakit lahat nilalagay natin Online? Sa kasalakuyan, lahat na ata nilalagay ng mga tao sa internet. Hindi lang mga "selfie", kung hindi pati lahat ng mga nangyayari sa buhay nila. Sabi nga sa isang nabasa ko, dati ang damdamin ay ipinapahayag sa taong may kaugnayan, ngunit ngayon ang damdamin ng mga tao ay makikita na lang na "status" o "tweet". Minsan mas nauuna pa ang iba na maka-alam ng nais nating ipaalam sa iba kaysa yun taong nais nating pagsabihan. 

Bakit ang Hilig Natin Mag-Cram?

Bakit ang Hilig Natin Mga-Cram? Isa sa mga paborito ng karamihan sa ating mga Pilipino ay ang mag-cram. Karamihan sa atin ay galit sa hindi nagmamadali kapag malayo pa ang deadline. Ayaw na ayaw ang pakiramdamam na matagal nang natapos ang dapat gawin bago pa ang deadline. Kailangan laging cramming. Last minute na kung gumawa. 

Ako, Sa Akin, Tayo…

Ako, Sa Akin, Tayo… Bakit nga ba parati na lang AKO, AKO, AKO? Lahat ng mga positibo, maganda, magaling AKO, AKO, AKO Kung hindi naman ay SA AKIN, SA AKIN, SA AKIN AKO lang ang mabuti, AKO lang ang maayos, AKO lang ang magaling, AKO lang ang dapat na da best, AKO lang ang dapat na masaya.

May naisulat ka na ba kapag mayroon kang nagugustuhan?

May naisulat ka na ba kapag mayroon kang nagugustuhan? Dahil buwan raw ng pag-ibig ngayon makiki-Feb-ibig muna ako. Sabi nila kahit hindi mo sabihin mapapansin ng mga tao kung mayroon kang inspirasyon. Noong nasa kolehiyo ako dumating ako sa pagkakataon na mayroon akong nagustuhan. Kahit na hindi ko pa sabihin ay natawa ako noong nilagyan ng propesor ko sa Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing in Filipino) ang isang nilagay ko sa portfolio ko….

Na-heartbroken ka na ba kahit hindi kayo?

Na-heartbroken ka na ba kahit hindi kayo?  Paano nga ba makaka-move on kay Crush? Marami nang naisulat tungkol dito. Mayroon nang naisulat si Tita Witty sa kanyang mga planner at calendar, mga libro nina Marcelo Santos III at Ramon Bautista, pati na rin sa Ampalaya Monologues, atbp. Mayroon ding mga self-help books sa Ingles na puwede mong basahin. Pero para sa akin at sa mga pinsan, kaibigan at kakilala, ito ang kadalasan nakakatulong sa amin upang maka-"move on" sa mga lalaking paasa base sa aming karanasan. Ang iba ay naisulat na rin ng iba, ngunit napatunayan namin na epektibo kahit na hindi pa naisulat.  Maglaro ng Angry Granny o mga kaparehong laro kung saan mo maibubuhos ang inis at galit mo sa kanya. Mayroon nga na nagpupunta lang sila sa isang lugar para magbasag ng mga pinggan at bote para ilabas ang galit. Mas violent mas makakatulong. Kailangan mo kasi ng cathartic experience.  Burahin ang lahat ng pictures niya na mayroon ka. Sa cellphone mo,...