Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2015

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...

Pagod Ka Na Bang Maging "Bitter"?

Pagod ka na bang maging "Bitter"? "Bitter" ka ba? Aminin na. Minsan parang alcoholism ang pagiging bitter, ang hirap aminin. Ang pagiging "bitter" parang "butter" may expiration. Matutunaw ka pag biglang nag-like sa post mo o nagparamdam ang nagustuhan mo na hindi ka naman gusto. Aasa ka na naman. Ngunit kapag nagsimula ka naman kumagat sa paasa niya, madagdagan lang ang galit mo sa kanya na parang nagdadagdag ka ng cholesterol sa puso mo sabay inom ng malamig na beer. In short, pinapatay mo ang sarili mo ng dahan dahan. Life is short para maging bitter habang buhay. Marami nang martir ang iba ginawa nang Santo at Santa, pero sila naging martir hindi dahil nagpakatanga sa love life. Kaya kung puwede lang, bigyan mo ng deadline ang pagiging bitter mo. Hindi dapat applicable ang "forever" sa pagiging bitter. Or else, mamatay kang bitter may love life ka man o hindi.  Hindi masamang ma heartbroken kahit hindi naging kayo ng gusto ...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Bakit Ang Hilig Natin sa "Instant"?

Bakit nga ba mabenta sa atin mga Pilipino ang mga "instant"?  Dati kung mayroon kang polaroid na camera sikat ka kasi instant ang pag develop ng larawan. Hindi mo na kailangan iwan ang film para makita ang litrato mo. Ngayon naman may digital camera, DSLR at camera phones na may instant ganda dahil sa mga application.  Sa pagkain, ang hilig natin sa instant. Instant noodles, instant pancit, instant spaghetti, instant soup, instant lomi, instant ulam, instant pampalasa, etc. Ngayon pati nga kanin at ulam, may instant na rin. Konting init lang sa kawali, microwave, o kaya lalagyan ng mainit na tubig ilang minuto lang ang kailangan pwede na kumain. Tipid nga naman daw sa rekado, sa gas, sa oras. Hindi man ito sa atin nagmula ay mabentang-mabenta ito sa atin. Yun nga lang, ayon sa mga pag-aaral marami rin sa sakit ang maari natin makuha dahil sa mga ito. Ang iba sa atin naman pikit-mata na lang basta malamanan lang tiyan. Ang iba naman mas nasasarapan daw sa mga instant ...

Bakit ang Hirap Aminin ng Nararamdaman?

Gusto mo siya pero hindi mo alam paano sasabihin. Nagseselos ka pero wala kang magawa kung hindi magalit sa taong umaagaw sa atensyon ng taong gusto mo kahit hindi kayo. Bukas makalawa gusto na ng taong gusto mo ang pinagseselosan mo.  Ang hindi natin alam ay kung ano ba ang nararamdaman para sa atin ng taong gusto natin. Paano kung gusto rin pala nila tayo? Pero dahil hindi natin masabi ang nararamdaman natin ay ibinaling na lang ng gusto natin sa iba ang kanilang atensyon…sa taong malayang nagpapahayag sa kanila ng damdamin. Bakit nga ba ang hirap umamin ng nararamdaman? Para sa iba madali lang ito. Pero sa mga katulad ko ay hindi ito madali. Isa siguro ako sa mga hirap umamin sa nararamdaman. Noon, hirap akong umiyak sa harap ng mga tao dahil gusto ko isipin nila na matibay ako. Hindi na ako ang batang parating pinapaiyak ng kapatid niya. Mas gusto kong umiyak na walang nakakaalam na umiiyak ako: sa kuwarto, sa CR, sa dilim. Basta ayokong may nakakakita sa akin sa pinak...

Bakit Ba Kailangan Maki-Uso?

Bakit ba Kailangan Maki-Uso? Nakiki-Uso ka Ba? Ewan ba bakit ang hilig nating mga Pilipino na maki-uso. Gusto natin lagi tayong 'in'. Parang kanta lang ni Sandara "In or Out". Ang iba wala kahit na walang makain basta makasunod lang sa uso ayos lang.  Ano ba nakukuha natin sa pagsunod sa uso? Hindi naman dahil uso ay maayos. Hindi dahil uso ay tama at dapat sundin. Hindi dahil uso ay nababagay sa lahat.  Bakit nga ba may nauuso pang uso? Katulad ng showbizness, minsan sila ay 'in' minsan sila ay 'out'. Minsan sikat sila, minsan laos na. Minsan cute, guwapo, maganda, sexy, biglang pa-cute na lang, feeling guwapo, nag-mamaganda at nagpapaka-sexy na lang.  Bakit ba may 'in' at 'out'? Ewan. Naalala ko pa noon bata pa ako. Uso ang kulot (hindi digi perm). As in kulot na maliliit.  Ganun klaseng kulot. Lahat ng mga tiyahin ko nagpapa-kulot. Kapag may kasal, nagpapa-kulot. Kaya gustong-gusto ko kapag may ikakasal at kinukuha a...

Bakit Ba Takot Tayo sa Salitang "Hindi"?

Bakit ba takot tayo sa salitang "hindi"? Bakit nga ba marami sa atin ang takot sa salitang "hindi"? Ang iba takot masabihan ng "hindi" o ma-hindi-an. Ang iba naman ay takot magsabi ng "hindi" o humindi.  Parang pag bumibili tayo. Minsan nahihiya tayong humingi ng discount kasi baka hindi-an lang tayo ng nagtitinda. At dahil ayaw natin mapahiya ay hindi na lang tayo hihingi ng discount. Ilang beses na akong sumubok humingi ng discount hindi rin parating pinagbibigyan pero minsan binibigyan ako ngunit hindi ko naman ikinamatay nung sinabihan nila ako ng "hindi pwede". Sa mga pagkakataon na pumayag na mabigyan ako ng discount hindi ko malalaman na papayag sila at makakatipid ako kung hindi ko sinubukan. Kung natakot ako na mapahiya eh di sana di ako nakatipid sa ilang pagkakataon.  Parang pag nakikiusap tayo sa guro natin. Naalala ko pa noong nasa kolehiyo ako. Ika-apat na namin taon noon. Huling taon na. Huling Paskuhan. Kaya...

Bakit Lahat Binabahagi Online?

Bakit lahat nilalagay natin Online? Sa kasalakuyan, lahat na ata nilalagay ng mga tao sa internet. Hindi lang mga "selfie", kung hindi pati lahat ng mga nangyayari sa buhay nila. Sabi nga sa isang nabasa ko, dati ang damdamin ay ipinapahayag sa taong may kaugnayan, ngunit ngayon ang damdamin ng mga tao ay makikita na lang na "status" o "tweet". Minsan mas nauuna pa ang iba na maka-alam ng nais nating ipaalam sa iba kaysa yun taong nais nating pagsabihan.  Bakit parang karamihan sa atin ay nilalagay ang buong buhay nila sa "timeline" nila? Siguro ito ang nakakapagpagaan ng loob nila--yun malaman ng "friends" o "followers" nila sa social networking sites ang buong buhay nila. Sa dinami-rami mong "friends" o "followers", ilan sa tingin mo ang totoong kaibigan at sumusunod sa iyo? Kung ang mga artista nga nahihirapan sa buhay nilang walang "privacy", eh bakit natin ginagawang "public...

Bakit ang Hilig Natin Mag-Cram?

Bakit ang Hilig Natin Mga-Cram? Isa sa mga paborito ng karamihan sa ating mga Pilipino ay ang mag-cram. Karamihan sa atin ay galit sa hindi nagmamadali kapag malayo pa ang deadline. Ayaw na ayaw ang pakiramdamam na matagal nang natapos ang dapat gawin bago pa ang deadline. Kailangan laging cramming. Last minute na kung gumawa.  Sa paaralan, parati tayong cramming para sa assignment, project, report, at pagsusulit. Ang pag-susunog ng kilay para sa mga ito ay yun tipong malapit na. Kadalasa'y kinabukasan na ang deadline o ang pag-susulit, sa gabi pa lang tayo gagawa. Naaalala ko dati parati kong sinasabi sa sarili ko matapos ko maipasa ang mga kailangan ko maipasa ng hindi ganoon ka-ganda ang kinalabasan o ano naman kaya ay matapos ang isang pag-susulit, na sa susunod ay hindi na ako mag-cram. Ngunit kadalasan ay nauuwi pa rin ang sa pag-cram. Mas inuuna kong manood ng TV, mag-laro, gumala at mag-relax bago ko bigyan ng pansin ang mga kailangan kong gawin.  Ano bang mayroo...

Ako, Sa Akin, Tayo…

Ako, Sa Akin, Tayo… Bakit nga ba parati na lang AKO, AKO, AKO? Lahat ng mga positibo, maganda, magaling AKO, AKO, AKO Kung hindi naman ay SA AKIN, SA AKIN, SA AKIN AKO lang ang mabuti, AKO lang ang maayos, AKO lang ang magaling, AKO lang ang dapat na da best, AKO lang ang dapat na masaya. Minsan TAYO, TAYO, na lang. Mayroon bang TAYO lang? Kailan bang magiging TAYO na lang? Paano naman sila? Paano naman siya? Bahala na siya. Bahala na sila. Bahala ka na. Hayaan mo na siya. Hayaan mo na sila. Wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko AKO nang AKO lang. Basta gusto ko SA AKIN ang lahat ng gusto ko. Masama bang sabihing kong SA AKIN ka na lang? Paano naman kayo? Mayroon bang kayo? Walang kayo. Wala ring sa iyo. Paano na TAYO? Kahit kailan ba ay naging TAYO? O minsan bang ika'y naging SA AKIN? Ngunit pag ‘di maganda puro na lang siya, sila, sa iyo. Lahat ng sisi ay sa kanya, sa kanila, sa iyo. Napakamakasarili KO ba? ...