Mula noong bata pa ako ay pangarap ko na mag-sulat. Nagsusulat ako ng iba't ibang kuwento kung saan yun mga tao sa paligid ko ang nagiging tauhan. Ngunit wala akong confidence na ibahagi ang mga kuwento ko. Sa paglipas ng panahon ginagawa ko na lang ang pagsusulat ng mga kuwento sa school bilang assignment or project. Naisip ko na maging seryoso sa pagsusulat 'pag nag-retire na ako. Pero bakit ko ba i-dedelay ang pangarap ko?
Sabi nga nila libre ang mangarap. Kaya kung mangangarap ka ay itodo mo na! Sabi rin nila kung nangangarap ka, una itanong mo sa sarili mo: maaari ka bang maging bilang kung ano man ang pinapangarap mo sa kasalukuyan? Kung OO, ano ang maaari mong gawin bilang ganoon? Halimbawa, gusto kong maging isang manunulat kaya heto sinumulan ko ang proyektong ito.
Sunod daw ay dapat mong itanong sa iyong sarili ano ba dapat ang ginagawa mo bilang ganoon? Sa akin, kung ako isang manunulat sa oras na ito, ano ba dapat ang ginagawa ko? Nagsusulat at nagkukuwento. Dito ako magsisimula. Sa aking pagnanais na maging isang manunulat ay naisip kong simulan dito. Kung ako ay magkukuwento, ano ba ang aking ikukuwento? Tungkol sa buhay ko, sa buhay ng mga tao sa paligid ko (with permission syempre hehe), at sa buhay niyo (kung willing kayo i-share sa akin 'di naman ako namimilit hehe).
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang kuwento. Lahat tayo ay may pinagdaraanan. Ang bawat pangyayari sa buhay natin ay bahagi ng ating kuwento. May kalungkutan, kaligayahan, kalokohan, katatakutan, atbp. Mayroon din bida, kontrabida, bestfriend ng bida, sidekick ng kontrabida, mga tsismosa at tsismoso, bakla (o sige na nga pati na rin tiborcia para equal), atbp. sa ating mga kuwento. Ang bawat kuwento ay isang paglalakbay. Handa ka na ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento