Lumaktaw sa pangunahing content

Paano ang Puso ko Kapag Araw ng mga Puso?

Bakit ba masyado nating binibigyan ng halaga ang Araw ng mga Puso o Valentine's Day? Ano bang mayroon ang February 14 na wala sa ibang araw? Hindi ba tayong mga tao lang ang naglagay ng interpretasyon o meaning sa araw na iyon? Maraming pera ang inuubos ng mga tao para lang mairaos ang araw na ito. Yumayaman ang mag nagtitinda ng mag bulaklak tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Tiba-tiba rin ang mag nagtitinda ng mga cake, chocolate, teddy bears na may puso, pati mga cheap na puso na nasa stick (minsan chocolate, minsan parang stuffed heart) kapag Valentine's. 

Naisip ko tuloy: Paano ba ako kapag Valentine's Day? 

Naaalala ko pa noong bata pa ako. All-girls school kasi ako kaya walang boys. Pero umaasa kami na makatanggap ng bulaklak o chocolates pag sapit ng February 14. Sinasabi namin ng mga kaibigan kong walang boyfriend nung high school pa kami 'Happy Day.' Tinatanggal namin ang Valentine's or Heart's sa gitna kasi wala naman kami love life. Kaya tiniklop na lang namin ang song sheets namin nung misa sa school na hugis puso. Natapos ako ng high school na walang boyfriend. Promise, too ito! Bawal kasi plus natatakot ako na mapagalitan ng mag magulang ko kaya di ko magawang mag boyfriend nung high school. May pagkakataon na muntik na akong magkaroon ng boyfriend noong second year ako pero natakot ako kaya ako na umiwas. (Note: tsaka ko na ikukuwento yun

Sa college naman ay tinaaasan ko ng bongga ang standards ko. (ganoon talaga pag feeling kagandahan hehe at dahil nagmaganda ako walang pakialaman). Kaya tuwing Valentine's Day noong college, kasama ko mga kaibigan kong girls and gays. May isang Valentine's nga nag bilyar kami malapit sa school namin. Oo, tinuruan nila ako magbilyar habang ang ibang tao ay kasama ang kanilang mga partner. Oo nga pala, noong college din ako una akong nabigyan ng rose for Valentine's. Yun nga lang di iyon nagmula sa lalaking gusto ko. Binigyan ako at yun bestfriend ko ng kaibigan naming bakla. Na touch kami ng bestfriend ko. Naloka lang kami na dinaig pa kami ng isa pang kaibigan namin na bakla. Aba, binigyan ba naman ng isa pang baklang dati namin naging kaklase ng handmade doll! Sabi ko nga ang "sweet" naman kasi "it was hand made with love." Napangiti ang kaibigan naming nakatanggap sa sinabi ko. Nagreact na parang na touch nga. Sabay hirit ng isa pa naming kaibigan na bakla, "ano ba yan? parang Chaka Doll or Vodoo Doll!" hahaha. Ayun, madaling binitawan ng aming kaibigan ang hawak niyang manikang bigay nung manliligaw niyang bakla rin. Anyway, natapos rin ako ng college na Single. Kahit na muntik na rin akong magkaboyfriend noong fourth year ako ay hindi ito natuloy. Mahabang kuwento iyon kaya sa susunod ko na lang din ikukuwento. 

So ayun ako, single pa rin. Single since birth (SSB) or no boyfriend since birth (NBSB). Dati ay parang nakakahiyang aminin, pero ito ang katotohanan kaya bakit ako mahihiya? Di naman counted ang mutual understanding (MU) kaya technically single pa rin ako since birth. Hay, life. Dati nagtatanong ako parati kung anong mali sa akin at hindi ko matagpuan si Mr. Right. Mukhang naliligaw ata siya. Minsan nakakainip maghintay. Minsan nawawalan ako ng pag-asa na darating pa siya. Kung makakausap ko lang siya sasabihin ko: Hoy, Mr. Prince Charming ko, wer na u ba??? Pwede ba dali-dalian mo paghanap sa akin kasi naiinip na ako. Malapit na akong maging matandang dalaga!!! Huwag mo nang hintayin matuyo ang matres ko bago ka magpakita! Kapag ako nainip mag-aampon na talaga ako at pag late ka dumating sorry ka na lang dahil you're just too late, darling! haha. (pero joke lang yun, sige na please lang come here na, dito lang ako waiting. hehe) -- parang loka loka lang. 

Dati bitter ako pag Valentine's. Hatest day ko ata iyon kasi naiinggit ako sa mga couple na nakikita ko. Nakakainis holding hands pa sway sway pa while walking, hindi man lang maisip na nakikita naming mga single sila! Oo, na ako na ang walang partner. Ako na ang walang flowers pag Valentine's. Ako na walang ka-date. Ako na walang chocolates. Ako na. Ako, ako, ako. Parati na lang ako. (Ooops, ang drama ha. enough na OA e.

Hirit naming mga single, at least tipid kami pag Valentine's. Di kami kailangan makipagsiksikan sa mga kainan o sinehan. Di rin namin kailangan suungin ang trapik sa kalsada. Manonood na lang kami sa bahay ng horror movies para makalimutan ang lungkot. If martir lang, pwede na yun drama para ilabas ang lungkot at isisi sa Sad Movies. Ang iba lumalabas ng mga iba pang single masabi lang na may ka-date sa Valentine's. Yun iba naman alak ang ka-date. (buti pa ang alak hindi demanding sa time. haha)

Noong isang taon, pagkagising ko ay naisip ko ang lalaking gusto ko. Hay, Valentine's na naman. Hanggang kailang kaya ako mag vaValentine's na single? Next year siguro hindi na. Pero, siguro hindi ako naaalala ng lalaking iyon! Bahala siya. 

Naligo ako. Pag tingin ko sa cellphone ko nakita ko may text. Uy, galing kay crush. Nagsikip ang dibdib ko. Aba! Binati ako ng Happy Valentine's Day! Yikeee. Syempre kinilig ako ng bongga! Siya ang unang bumati sa akin sa araw na iyon. Sa isip ko, sabi na type niya ako e. Nakakatawang isipin na nalaman ko noong November na iba pala talaga ang gusto niya. Ako lang pala naglagay ng meaning sa simpleng text na "Happy Valentine's Day." Tanga lang. Marami sa atin ang ganoon. Nilalagyan natin ng meaning ang konting bagay na ginagawa ng mag tao lalo na kung mayroon tayong maliysa. Dahil may malisya ako sa kanya, inisip kong gusto niya ako. Napahiya ako sa sarili ko. Nag-feeling lang pala ako. 

Sa totoo lang mula noong inayos ko ang isyu ko sa lalaking iyon, naayos ko rin ang isyu ko sa isa pang lalaking minsang nagpakaba sa akin. Sa lalaking minsang nagbigay ng kilig pati na rin katakot takot na sakit ng kalooban noong college ako. Ang sarap ng pakiramdam na sa unang pagkakataon, hindi ko kailangan malungkot o mainggit sa mga taong may 'someone.' 100% happy ako! Lumipas ang Valentine's ko na masaya ako. Hindi ko kailangan hanapin ang kaligayahan ko sa ibang tao o sa alak o sa movies. Di ko kailangan pilitin maging masaya o maghanap ng makakasama. Masaya ako sa ano man ang buhay ko ngayon. Single ako ngayon, e ano naman? Ganoon ako ngayon e. Hindi ipinipilit ang gusto. Basta nabubuhay lang nang tunay na masaya. Just accept whatever life is offering you right now. Sa ngayon ang offer sa akin ay maging single ngayon February 14, 2013. So I choose to be single because it is what is so at the moment. Single. Available. Free. Happy. 

Ikaw, kamusta ang puso mo ngayong Araw ng mga Puso?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...