Lumaktaw sa pangunahing content

Paano nga ba ako noong Prom ko?

Noong isang araw ay sumama ako sa prom ng mga estudyante namin. Naisip ko paano nga ba ako noong prom ko?

2002 Pebrero

May isang dalagang gold na nagkukulay silver ang damit kapag gumagalaw. Galing siya sa parlor malapit sa bahay nila. Alas dos palang ng hapon nagpaayos na siya kahit na alas siyete pa ng gabi ang prom niya kasi malayo bahay niya. 

Mayo pa lang bago ang simula ng pasukan ay nag-iisip na sila ng mga kaklase niya tungkol sa prom nila. Magpapahaba raw sila ng buhok para magandang ayusan sa prom. 'Di rin sila magpapa-araw masyado kasi baka umitim sila. You know, mas maganda maputi at pantay ang kulay para sa prom.

Ilang buwan bago mag-prom ay nag-iisip na sila tungkol sa damit nila. Pabonggahan, pamahalan ng damit ang mga kaklase niya. Nagpa-design pa sila ng damit para Bongga! Ayaw ni nanay gumastos ako ng ganoon para sa damit ko. Sa COD na lang daw kami bibili. Oo, may COD pa noon. Sige, basta dapat kakaiba yun kulay. Something yellow or gold. Tsaka palalagyan ko ng beads sa mananahi malapit sa amin para maiba ng konti. 

Ilang linggo bago ang prom ay naghahanap na rin sila ng date. Wait, date? Huwag na lang kaya ako pumunta? Ano kaya, mag-stag ako sa prom? Naman, lahat ng kaklase ko may date, yun isa pa nga dalawa date niya. Tapos ako mag-isa? Shocks!! Huwag na kaya ako pumunta? Saan lupalop ng Pilipinas naman ako makakakuha ng date. Siyempre dapat guwapo at may koste siya. 

Isang linggo bago ang prom ay naghahanap siya ng date. Kapatid ng ex ng pinsan niya ipapakilala raw sa kanya. Sabi nila cute raw at may kotse. Sige na nga, puwede na rin. Di ko siya type at may GF pa. Pero kailangan ko ng date e. Sayang si crush kasi prom din nila. Kasama niya yun GF niyang payatot. Mas maganda pa ako doon e. Anong bang nakita niya doon? Hmpf! Pasalamat na lang ako kasi may willing sumama sa akin sa prom. Pero puwede ba paki ahit ang bigote? Gusto ko kasi clean looking e. 

Ilang araw bago ang prom, ay kailangan ayusin ang decorations. Sila ang nagpinta ng mga gagamitin sa prom. Sila na rin ang bumili ng bulaklak na ikakabit sa date nila. Kinamusta niya ang date niya kung nag-ahit na. Sabi ng date niya di raw siya puwede mag-ahit kasi may pimples siya sa baba. Ano ba yan? Di na magiging picture perfect para sa prom ko. May bigote ang date ko! haha

Prom na. Kamusta kaya si crush? Masaya kaya sila ng date niya? Sana siya kasama ko dito. Yun nga lang mahihiya akong kumain ng marami. Masarap pa naman ang pagkain. Buffet pa. Sana siya kasama ko sa prom picture. Hayyyyyy. 

Ay wait, ang cute ng date ng kaklase ko ah artista! Eeeeek, kilig. Sabay sabi sa date na, sandali lang ha punta lang ako doon.... Girl, pakilala mo naman ako sa date mo. Hiiiiiiiii! (with a big smile pacute lang sa date ng kaklase ko) Ang guwapo niya!!!!! Yayain ko lang date ko magpapicture muna, bye! 

Pagbalik sa table namin, halika na pa-picture na tayo... Iniisip ko, ang cute naman ng date ng mga ka batch ko. Ang saya naman! Pero mas masaya kung andito si crush...

Nagyayaya ang barkada ko umalis raw kami pagkatapos ng prom. Sabi ng pinsan ko 'wag na raw kasi 'di ako nagpaalam kina nanay. Fine, di ko naman type ang date ko kaya uuwi na lang kami. Tsaka sobra naman ako, nagpasama na nga ako pupuyatin ko pa! Masyado naman akong sinuswerte. 

Bago mag alas dose ng hating gabi ay inihatid siya ng date niya sa bahay ng tita niya kung saan siya nanggaling. Parang si Cinderella lang. Kailangan bumalik sa dati. Tapos na ang gabi. Kailangan tanggalin ang damit, makeup at alahas. Bago matulog ay naisip niyang parang may kulang.

Kinalunesan, pinag-usapan nila ang prom. Ang mga date nila. Sino ang may guwapong date? Sinong may magandang damit? Sinong maganda ang makeup? Saan sila gumimik pagkatapos ng prom? Habang pinag-uusapan ng mga kaklase niya ang mga iyon ay iniisip pa rin niya ang crush niya. Kamusta kaya siya? 

----------

Ito ang kuwento ko. Sarili kong prom lumilipad ang isip ko. Hindi ko tuluyang na-enjoy ang pagkakataon na matagal kong pinaghandaan. Na sayang ang ilang buwang paghahanda dahil iba ang iniisip ko. Kung alam ko lang na darating ang panahon na makikita ko ulit ang crush ko noong high school ako sa itsura niya ngayon. Naman! Sana pala nag-enjoy na lang ako ng prom ko. Sayang ang damit, makeup, pati na rin ang effort ng date ko kasi wala ang isip ko sa prom ko. Kung alam ko lang na mapupuno ng pimples ang makeup ng crush ko at mababawasan ang kaguwapuhan niya ng todo katulad ngayon ay hindi ko na sana sinayang ang oras at atensyon ko sa kanya. Sana nakapag-enjoy ako sa prom ng tunay sapagkat minsa lang mangyayari iyon sa buhay ko.

Ngunit hindi ko na mababago ang nangyari. Hindi ko na maibabalik ang nakalipas. Lahat tayo ay may mga bagay na pinagsisisihan o pinanghihinayangan. Ngunit ang nakalipas ay tapos na. Wala na ito. Dahil ang mayroon tayo ngayon ay ang kasalukuyan. Ito lamang ang maaari nating gawan ng paraan. Dito lang tayo maaaring mabuhay. Hindi sa nakalipas dahil tapos na iyon. At hindi rin sa hinaharap dahil hindi pa iyon dumarating. 

Ikaw, paano ka noong prom mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...