Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2013

Paano nga ba ako noong Prom ko?

Noong isang araw ay sumama ako sa prom ng mga estudyante namin. Naisip ko paano nga ba ako noong prom ko? 2002 Pebrero May isang dalagang gold na nagkukulay silver ang damit kapag gumagalaw. Galing siya sa parlor malapit sa bahay nila. Alas dos palang ng hapon nagpaayos na siya kahit na alas siyete pa ng gabi ang prom niya kasi malayo bahay niya.  Mayo pa lang bago ang simula ng pasukan ay nag-iisip na sila ng mga kaklase niya tungkol sa prom nila. Magpapahaba raw sila ng buhok para magandang ayusan sa prom. 'Di rin sila magpapa-araw masyado kasi baka umitim sila. You know, mas maganda maputi at pantay ang kulay para sa prom. Ilang buwan bago mag-prom ay nag-iisip na sila tungkol sa damit nila. Pabonggahan, pamahalan ng damit ang mga kaklase niya. Nagpa-design pa sila ng damit para Bongga! Ayaw ni nanay gumastos ako ng ganoon para sa damit ko. Sa COD na lang daw kami bibili. Oo, may COD pa noon. Sige, basta dapat kakaiba yun kulay. Something yellow or gold. Tsaka p...

O Tsismis, Layuan Mo Ako

Mula noon pang araw ay uso na ang tsismis. Ito na ata ang isa sa pinakamatandang libangan ng mga tao.  Kahit si Kristo ay nakaranas matsismis. Ewan nga ba kung bakit enjoy na enjoy talaga ang mga madlang people kapag buhay na ng may buhay ang pinag-uusapan. Lahat na ng libangan pagsasawaan ng mga tao liban sa pagtsitsismisan. Patuloy na malalaos ang mga fashion, artista, mga kanta at sayaw kagaya ng Buttercup nung High School ako, Otso Otso nung college ako, at sa Gangnam Style ngayon nagtatrabaho na ako. Tuluyan na rin mababaon sa limot ang sex scandal ni Hayden Koh pagkatapos sumikat nila Kim Kardashian at Paris Hilton sanhi na rin ng pagkakaroon ng sex scandal. Sino ba ang makakalimot sa primetime coverage ng revelation ni Kris Aquino ng paghihiwalay nila ni Joey Marquez? Tila tumigil ang buong Pilipinas lalo na noong umamin siya na nagkaroon siya ng STD dahil sa dati niyang nobyo. Iyon ngang balita kina Hayden Koh biruin niyo ay dahil napunta sa lahat ng pahayagan sa Pilipinas...

Paano ang Puso ko Kapag Araw ng mga Puso?

Bakit ba masyado nating binibigyan ng halaga ang Araw ng mga Puso o Valentine's Day? Ano bang mayroon ang February 14 na wala sa ibang araw? Hindi ba tayong mga tao lang ang naglagay ng interpretasyon o meaning sa araw na iyon? Maraming pera ang inuubos ng mga tao para lang mairaos ang araw na ito. Yumayaman ang mag nagtitinda ng mag bulaklak tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Tiba-tiba rin ang mag nagtitinda ng mga cake, chocolate, teddy bears na may puso, pati mga cheap na puso na nasa stick (minsan chocolate, minsan parang stuffed heart) kapag Valentine's.  Naisip ko tuloy: Paano ba ako kapag Valentine's Day?  Naaalala ko pa noong bata pa ako. All-girls school kasi ako kaya walang boys. Pero umaasa kami na makatanggap ng bulaklak o chocolates pag sapit ng February 14. Sinasabi namin ng mga kaibigan kong walang boyfriend nung high school pa kami 'Happy Day.' Tinatanggal namin ang Valentine's or Heart's sa gitna kasi wala naman kami love life. Ka...

Panimula: Bakit Ako Magsusulat at Magkukuwento?

M ula noong bata pa ako ay pangarap ko na mag-sulat. Nagsusulat ako ng iba't ibang kuwento kung saan yun mga tao sa paligid ko ang nagiging tauhan. Ngunit wala akong confidence na ibahagi ang mga kuwento ko. Sa paglipas ng panahon ginagawa ko na lang ang pagsusulat ng mga kuwento sa school bilang assignment or project. Naisip ko na maging seryoso sa pagsusulat 'pag nag-retire na ako. Pero bakit ko ba i-dedelay ang pangarap ko?  Sabi nga nila libre ang mangarap. Kaya kung mangangarap ka ay itodo mo na! Sabi rin nila kung nangangarap ka, una itanong mo sa sarili mo: maaari ka bang maging bilang kung ano man ang pinapangarap mo sa kasalukuyan? Kung OO, ano ang maaari mong gawin bilang ganoon? Halimbawa, gusto kong maging isang manunulat kaya heto sinumulan ko ang proyektong ito.  Sunod daw ay dapat mong itanong sa iyong sarili ano ba dapat ang ginagawa mo bilang ganoon? Sa akin, kung ako isang manunulat sa oras na ito, ano ba dapat ang ginagawa ko? Nagsusulat at nagkuk...