Bagong Taon na naman, bukod sa inaabangan pasabog na couple reveal ng Dispatch kapag January 1 ay maririnig na naman natin ang New Year's Resolution. Ilang araw makalipas ang mga kasiyahan na kasabay ng pagpapalit ng taon, kamusta na ang pagtupad sa nga 'New Year's resolution' ng mga tao? Marami na ba ang sinabing sa susunod na taon na lang ulit? Bakit nga ba ang hirap panindigan ang New Year's Resolution? Pagpapapayat pagkatapos kumain ng marami ng Pasko at Bagong Taon (pati na rin sa iba't ibang mga Christmas party at reunion sa panahon na ito), pag-iipon o pag-invest ng pera, atbp. Taon taon naman ganyan. Pero karamihan naman ay ilang araw lang ay sumusuko na. Bye New Year's resolution parating na kasi ang Three Kings, Lunar New Year, Valentine's, at sari saring piyesta at okasyon. Sa susunod na lang ako magpapapayat. Sa susunod na lang ako mag exercise kasi busy na ulit pagkatapos ng bakasyon. Sa susunod na lang ako mag-iipon ng pera, kasi may seat s...