Kay sakit isipin na sa minamahal nating bayan ay kung sino pa ang dapat magprotekta sa mga tao ay siya pang kadalasang nagdudulot ng kasawian sa mga nilalang na katungkulan nilang ingatan. Nasaan ang hustisya? Paano ba ito makakamit? Mahal ko ang bayan ko, ngunit kalian magbabago ang mga taong may kapangyarihan? Kailan magagamot ang kanser na patuloy na sumisira sa ating lipunan at sa ating bansa? Darating pa kaya ang araw na maari kang maglakad sa kalsada sa gabi na ‘di kinakailangang matakot para sa iyong buhay? Kailan kaya darating ang panahon na hindi ka matatakot na makikita ng pulis o mga nagtatrapiko na pinapara ka dahil malamang ay kailangan mong ihanda ang bulsa mo? Mahirap tanggapin na pinapayagan nating maluklok sa kapangyarihan ang mga taong walang malasakit sa mga taong nagpapasuweldo sa kanila. Bulok ang sistema at bulok rin ang mga taong nagpapalakad at bahagi ng sistemang ito. Paano mo makakamit ang katarungan kung ang mga taong may kapangyarihan ay mismong...