Bakit mas marami tayong gusto kaysa nakukuha o nagagawa? Ang weird natin. Gustong kumain ng maayos na pagkain ayaw naman magluto. Nagrereklamo sa luto ng iba pero hindi nag-aaral magluto. Sagana sa request sa nanay o sa kasama sa bahay ayaw naman tumulong o ano kaya magluto mag-isa. Gustong pumayat pero ayaw magbawas o magcontrol ng pagkain. Gustong pumayat pero ayaw mag exercise.Parati nating sinasabi na gusto nating pumayat. Na-iimagine na ang ala-supermodel body na gusto natin pero kapag oras na ng kain ay nakakalimutan na natin bigla ang goal natin. Cheat day everyday. Ano kaya ay ningas cogon lang. Sa simula kaya pa na magbawas ng kain o nag-eexercise pero ilang araw lang balik sa dating gawi. Mayroon pa nag nagpapa-member sa gym, pero hindi naman talaga nagagamit ang membership. Ang isa sa pinakamahirap sa proseso ay ang pagpapatuloy nito. Gusto kasi ng karamihan sa atin ay biglaang pagpayat. Yung tipong walang masyadong effort--katulad ng karamihan ...