Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo? Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan. Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo. Mayroon iba na mahigit sa isang araw naman ang buhay. Mga dalawa hanggang tatlong araw na sa kanila ang sweldo, sabay pasok ang mga gastos: sa pagkain, pamasahe/pang gas, kuryente, tubig, upa sa bahay/monthly due sa condo, bayarin sa credit card, atbp. Pagkatapos ng lahat ng mga iyon ay taghirap na ulit. Petsa de peligro na agad. Dati isang beses lang ang sweldo namin sa loob ng isang buwan. Buti na lang buhay pa ang mga magulang ko noon kaya nabubuhay ako kahit na maliit ang sweldo at tuwin...