Dito sa Pilipinas ang Pasko ay isang mahabang pagdiriwang. Mula sa unang araw ng Setyembre ay marinig na ang mga Christmas Song. Simula na rin ng paglalabas ng mga dekorasyon. (Oo, alam ko kung nabasa mo na ang “Paano nga ba ang Paskong Pinoy?” (2013) nasabi ko na yan.) Bakit sa balita sinasabi na mahal na ang mga pang Noche Buena kaya paano na ba raw makukumpleto ang selebrasyon ng kapaskuhan. Ang lahat ay nagmahal dahil magpa-Pasko na. Ito rin ang unang Pasko na maluwag na ang mga restriction sa COVID. Pero ano ba talaga ang halaga ng Pasko para sa atin? Paano ba nasusukat ang pagiging buo o masaya ng Pasko para sa atin? Nalalagyan ba ng presyo ang Pasko? Sabi nila ang Pasko raw ay para sa mga bata. Hindi lang dahil wala nang pasok ang mga mag-aaral kaya sila masaya kapag Pasko. Hindi makukumpleto kung walang bagong damit at laruan. Hindi rin pwedeng mawala ang mga regalo kahit hindi naman tayo ang may kaarawan. Para tayong lahat gustong maging bata kapag Pasko la...