Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

Bakit Ba May "Utang na Loob"?

Bakit nga ba mayroon tayong tinatawag na “utang na loob” sa ating mga Pilipino? Ano nga ba ito na parati na lang natin naririnig?  Minsan mayroon ang mga Pilipino, minsan naman wala. Naituturo ba ito sa paaralan? Ikayayaman mo ba ito? Ika-babawas ba ito sa iyong bilbil?  Isang paraan ng pasasalamat kapag marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Ito ba yun sinasabi sa Ingles na “looking back to where you came from”? Dahil hindi tayo makakarating sa kasalukuyan kung hindi sa nakaraan.  Isa rin itong sukatan ng ating pagkatao. Katulad ng kasabihan, “ang hindi marunong tumingin sa nakaraan ay hindi makakarating sa patutunguhan”. Hindi lang naman icon tungkol sa pag-alala sa kasaysayan, ngunit pati sa pagbigay ng pagpapahalaga sa mga tong nakatulong sa atin lala na sa mga pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong. Sila yun mga taong naniwala sa rating potensyal.  Kung sang “investment” ang pagtulong, kailangan kahit papaano ay marunong tayong magbali...

Bakit ang Dami nating Reklamo?

Ang traffic! Ang init! Ang hirap! Ang tagal! Ang bagal! Lahat na lang nirereklamo natin. Minsan karekla-reklamo naman talaga. Minsan. Naiinip lang tayo. Minsan sobra naman talaga. Kaya lang madalas rin hanggang reklamo lang tayo. Minsan doon lang tayo magaling. Hindi na natin hinahanapan ng paraan ang mga bagay.  Kalit ilang beses mo ulitin na ma-traffic ay hindi naman nababawasan ang traffic.  Kahit ilang beses mo ulitin na mainit ay hindi naman lumalamig. Kahit ilang beses mo uliting na mahirap ang mga bagay ay hindi naman dadali ang mga ito. Kahit ilang beses mo sabihin na matagal ay hindi naman bigla na lang darating ang hinihintay mo sa harap mo sa oras din na iyon.  Kahit ilang beses mo sabihin na mabagal ay hindi naman bumibilis ang ang sistema.  Kung nakakabawas nga lang ng traffic ang mga reklamo natin ay siguradong para  Kung nakakabawas lang ng init ang bawat pagsambit natin ng mga salietang “ang init!” ay siguradong para na...