Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2013

Nagkamali ka na ba? Ang Maling Tsikot

Nagkamali ka na ba? Yun tipong may inakala ka, mali pala. Nakakahiya! Case No. 1: Maling Tsikot Katulad noong nasa kolehiyo ako. Sa pagmamadali kong makauwi, paglabas ko ng gate ng unibersidad ko tumingin ako sa sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada. Dahil doon parati tumitigil ang sasakyan ng tatay ko kapag sinusundo niya ako at kapareho ng kulay ng sasakyan niya ay inisip ko na agad na iyon nga ang sasakyan na dala niya. Agad akong lumapit at sinubukan kong buksan ang pinto. Tumingin ako sa nagmamaneho upang pabuksan ang lock ng pinto. Doon ko natitigan ang sasakyan. Hindi ko pala napansin na iba pala ang tint ng sasakyan na iyon pati na rin ang plate number! Kahiya talaga! Baka akalain nila part-time karnapper ako. Naka PE uniform pa naman ako.  Higit sampung taon ang lumipas, habang pauwi kami mula sa mall ay naglalakad kami ng nanay ko sa parking patungo sa van namin. Hindi namin alam kung saan pumarada ang tatay ko kaya hinanap namin. Nakita namin ang van. L...

Bakit Wala Ka Pa Rin Nobyo?

Naiinis ka ba sa tuwing mayroon magtatanong sa iyo kung bakit wala ka pa rin nobyo? Ilang taon ka na pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin maipakilala sa pamilya mo. Para tumigil na sila sa pagtatanong tuwing may reunion kayo kung bakit wala ka pa rin nobyo o kung kailan ka mag-aasawa ( nobyo nga wala, asawa pa! Ano ba?! ) ay naiisip mo nang maghanap ng boyfriend-for-hire o isama ang isang kaibigan mong bakla na magpanggap na nobyo mo  matigil lang ang pangungulit nila. O ano kaya ay hindi ka na lang pumupunta sa mga family at high school reunion para hindi ka matanong kung nasaan ang inexistent boyfriend mo. Noong nasa high school ako, kapag may nagtatanong sa akin kung may nobyo ako, isa lang ang sagot ko, “bawal pa po akong magka-nobyo eh.” Agad naman tumitigil ang mga nagtatanong. Sabi kasi ng nanay ko noong matatapos na ako ng elementary pagdating ko raw ng kolehiyo pa ako pwede magnobyo. Kaya lang ang masama ay nang tinanong ko siya ulit noong malapit na akong matapos...