Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2013

Ilang Taon Ka Na Ba Talaga?

Akma ba ang itsura mo sa edad mo? Sa ibang mga kultura ay ipinagbabawal ang pagtatanong ng edad sa mga babae. Hindi raw ito etikal. Kaya naalala ko nang nagkaroon ng Pilipina na ka-chat ang isang kaklase kong taga Timog Asya dati. Tinanong niya muna ako kung maari raw niyang itanong sa ka-chat niyang Pinay kung ilang taon na ito dahil sa kanila raw ay bawal ito.  Mahirap na basta na lang itanong ang edad ng isang tao lalo na sa babae na parang mas nakakatanda sa atin. Minsan parang nababastusan sila. Kaya mag-ingat. Huwag agad-agad magtatanong ng edad kung ayaw na masungitan.  Pero napagkamalan ka bang mas bata sa edad mo? Ang sarap sa pandinig lalo na kung kapanipaniwala ang pagkakasabi ng taong nagsasabi nito sa iyo. Pumapalakpak ang taenga nating mga babae kapag sinasabihan tayong, "mukha kang bata". Ano kaya ay magugulat ang kausap natin at hindi makapaniwala kapag sinabi natin ang totoo nating edad, "Ah talaga? Akala ko mas bata ka pa sa edad mo."...

Anong Mayroon sa "American Dream"?

Bakit nga ba maraming Pilipino ang patay na patay pumunta sa US? Kamakailang nagpunta ako sa Embahada ng Estados Unidos para mag renew ng visa ko ay napansin kong marami pa rin ang nagaapply ng visa. Marami pa rin ang nais pumunta sa Amerika. Marami ang nagdadasal na mabigyan ng visa. Marami rin ang nag-apply para mag migrate na sa US. Mayroon din mga umiiyak sa tuwa dahil nabigyan sila ng visa sa US na aakalain mong nanalo sa sweepstakes.  Maraming pelikula na ang napanood natin tungkol sa buhay sa Amerika. Pinakikita na mahirap mabuhay sa Amerika. Kailangang kumayod ng mabuti para kumita ng pera. Kadalasan higit sa isang trabaho ang kailangang pasukin ng isang tao para mabuhay ng maginhawa sa US. Pinapakita nilang hindi pinupulot ang pera sa Amerika.  Ngunit kahit gaano pa karami ang marinig at mapanood natin tungkol sa hirap ng buhay doon ay hindi nababawasan ang dami ng nangangarap na mapunta doon. Marami ang mayroong American Dream. May iba rin kasing s...