Baha, Baha, Baha na naman?! Paano ba ako kapag panahon ng Tag-ulan? Siyempre, kung mayroon tag-init, mayroon din tag-ulan. At oo, pansin naman natin, panahon na naman ng tag-ulan. Naalala ko tuwing umuulan madalas ang baha dito sa Pilipinas. Sabi ko nga dati sa isang isinulat ko, "when it rains, it floods" imbes na "when it rains, it pours." Baha, more fun in the Philippines? Tignan mo nga sa news at makikita mo ang mga taong todo ngiti pa rin kahit lubog na ng baha ang paligid. Pero siyempre isang apseto lang ang nakikita natin doon. Sa bayan namin madalas bumabaha dati pa. Kaya siguro malapit sa puso ko ang baha. Chos! Pero sa totoo lang ay marami talaga akong alaala kapag may baha. Naaalala ko pa maliit pa ako ay nakagisnan ko na ang pagbabaha sa amin. Wala pa akong isang taon ay binaha ang bayan namin. Akala ko noon ay isang malaking swimming pool ang bahay ng mga lola't lolo ko. Kulay tsokolate nga lang ang tubig. Lubog sa baha ng ilang...