Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2026

Paano mo malalaman kung emotionally mature na ang isang tao?

Paano nga ba natin masasabi kung ang isang tao ay emotionally mature na? Sa edad ba? Sa itsura? Paano siya kumilos o magsalita? 1. May Pananagutan / Taking Responsibility Kapag pananagutan, hindi ibig sabihin na dapat mayroon siyang pamilyang pinapakain o inaalagan. Pananagutan para sa mga desisyon at mga pagkakamaling nagagawa. Dapat kayang panindigan ang mga ginagawa. Hindi biglang naghuhugas ng kamay o tumatakas para lang manatiling maganda ang imahe natin. Marami kasi na kahit matanda na, mas pinapahalagahan ang sariling reputasyon o kung paano sila makikita ng mga tao kaysa aminin ang katotohanan kapag sila ay may nagawang mali o hindi maganda. Ang iba naman ay gumagawa ng mga masisisi o mga dahilan para lang mawala sa kanila ang responsibilidad sa mga nagawang hindi maganda sa kanilang imahe. Ang emotionally mature na tao ay handang harapin ang ginawa at mula doon ay gagawa ng paraan para ito ay maiayos. Kayang mag-sorry nang hindi napipilitan lang.  Mahalaga ang bawat salita...