Kailan mo ba unang narinig ang tungkol sa Friday the 13th? Kailan ba ito nadagdag sa dinamiraming pamahiin na nalalaman mo habang lumalaki ka? Naalala ko noong bata ako bago ko malaman ang tungkol doon ay ordinaryong araw lang ito. Sa loob ng isang taon ay kadalasan may isang ika-13 ng buwan ang natatapat ng biyernes. Minsan ay higit sa isang beses rin. Para sa ibang kultura, ang numerong 13 ay may dalang kamalasan. Kaya rin marami ang natatakot dito. Lalo na raw ang Friday the 13th. Bakit nga ba sa dinami-raming numero ay ipinalagay na malas ang 13? Bakit hindi ibang numero na lang? Katulad ng paniniwala ng mga Chinese na malas daw ang numerong 4 kasi ibig sabihin raw ay kamatayan. Pero bakit naman kaya biyernes? Pito naman ang araw sa loob ng isang linggo, bakit hindi ibang araw? Monday the 13? Tuesday the 13? Hindi ba maganda pakinggan? Iba iba ang paliwanag nila kung bakit ito ipinalagay na malas na araw. Pero para sa akin, nalaman ko ang tungkol dito ay noong nasa eleme...