Noong bata ako, isa sa mga panahon na inaabangan ko ay ang Pasko. Mahaba ang bakasyon habang malamig ang simoy ng hangin. Mayroon rin mga nagbibigay ng regalo at pera sa iyo. Ibang iba kaysa summer vacation. Bakasyon nga, pero mainit at matagal na walang natatanggap na allowance. Marami rin kaming mga tradisyon sa pamilya kapag kapaskuhan. Kadalasan masaya ang lahat lalo na kapag Christmas Party at reunion. Lumipas ang maraming taon ay malaki na ang pinagbago ng sitwasyon ko. Kung dati ay ako ang binibigyan ng regalo at pera, ako na ang inaabangan magbigay ng pera. Bukod dito ay kabi kabila rin ang mga kailangan gawin at puntahan kapag ganitong panahon. Noong buhay pa ang mga magulang ko, hindi kami napipirmi sa bahay kapag ganitong panahon. Nagsisimula ng ika-15 ng Disyembre ay nagsisimbang gabi kami hanggang bisperas ng Pasko. Pagdating ng Pasko ay magsisimba ulit bago mag reunion kasama ng kamag anak ng nanay ko. Nakakatuwa rin kapag ganitong panahon noong bata ako....