Dahil Araw ng mga Patay ngayon at mahilig ang mga tao sa nakakatakot, naisip ko: paano kung isang araw ay binisita ka ni kamatayan at sabihin sa iyo na susunduin ka na niya pagkalipas ng 24 oras? Anong gagawin mo kung sinabi sa iyo na 1 araw na lang natitira sa buhay mo? Gagawin mo na ba ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin? O pag-iisipan mo pa lang ano ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang masulit ang mga huling oras mo sa mundo? Sa lahat ng mga nais mo, ano sa mga ito ang mga uunahin mo? Kaya mo ba magawa lahat sa loob ng 24 na oras? Kikitain mo na ba o kakausapin ang mga taong mahalaga sa iyo o ang mga taong mayroon kang hindi pa nasasabi? Mayroon nang mga pelikula tungkol sa ganitong kwento. Yun "Life or Something Like It" (2002) na si Angelina Jolie ang bida ay nalaman niya na 7 araw na lang ang mayroon siya sa mundo. Nakaka distract ang blonde na buhok niya, pero doon sa pelikula ay noong nalaman niya na ilang araw na lang ang panahon niya para mabuhay ay...