Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2025

Para sa 10-year old na ako

Dahil fan ako ng Back to the Future at The Big Bang Theory...isa pa, parati na lang ba na iba ang susulatan? Bakit hindi naman ang sarili? Haha. Kaya heto. Kung makakausap ko ang sarili ko noong 10 years old pa lang ko sa pamamagitan ng isang sulat... Dear Young Self, Kumusta ka na ngayon?  So makalipas ang ilang dekada ng buhay natin, heto ako nagsusulat para sa iyo. Ilang taon na rin mula nang nawala ka na sa kalendaryo, pero pasok pa rin naman ang edad mo sa bingo at kaya pang umakyat ng mataas na mga hagdan.  Natandaan mo yun 7th birthday mo? Tapos noong sumunod na taon ay wala na halos handa?naubos na kasi noong 7th birthday mo. Haha. Ngayon taon, huwag ka mag aalala kasi wala ulit.  Huwag ka rin mangarap na mag birthday sa McDonald's o Jollibee, hindi mangyayari iyon.  Isa pa, maaari naman kumain doon kahit hindi birthday. Ikaw na mismo ang tatanggi. Haha. Sa totoo lang mula ng 7th birthday mo, hindi ka na muling mag cecelebrate niyan. Dahil ikaw na mismo yun a...