Noong maka graduate na ako ng kolehiyo at masters, madalas ko naririnig ang tanong kapag may reunion o pinapakilala ka sa mga kamag-anak o kaibigan ng mga magulang mo, ang tanong sa iyo“bakit wala ka pa rin nobyo?”. Minsan nakakainis na sagutin ang mga tanong nila kasi para bang kasalanan ko na hindi ako makasunod sa iba. Bakit ba? Pakialam niyo? Tapos susunod naman nilang sasabihin, “masyado kasing mataas ang standard mo”, “masyado ka kasing pihikan”, “dapat kasi parati kang lumabas at mag attend ng mge event”, “dapat kasi bawasan mo yan pag simangot mo”… lahat ako ang may kasalanan, ako ang sinisisi. Kapag sinasabi ko naman ang totoo na ayoko mag settle for less, ayokong basta pumasok lang sa relasyon na hindi ko naman talaga gusto, at ang pagiging single ay ang choice ko, hindi naman nila maintindihan. Minsan gusto ko na lang sila i-mute. Pero makalipas ang maraming taon, habang nakikita lko ang mga ka-batch ko na malalaki na ang mga anak, pati na rin ang mga mas bata pa...