Ang dami kong napapanood na mga vlog tungkol sa pagtikim ng mga tao ng pagkain. Kung noong pandemic mukbang ang uso kasi nqsa bahay lang, ngayon kadalasan street food ang nakikita ko. Yun iba mga Pilipino, yun iba mga dayuhan.. Naalala ko nung bata ako, hindi ko sensitibo sa mga pagkain.. bumibili.ako ng mga street food. Lalo na pag bakasyon. Inaabangan namin sa umaga ang nagtitinda ng taho. Kahit na sa tabi ng kalsada siya nagbubukas ng taho, masarap kaya nun! Pati yun binatog sa hapon sa tabing kalsada rin nagbubukas ng lalagyan. Kamusta naman ang nagtitinda ng fishball? Diba yun kawali hindi naman tinatakpan habang naglalakad siya tulak tulak ang karton sa tabing kalsada. Tapos ang sawsawan kung sino sino na ang nagsawsaw. Pero masarap diba? haha. Hindi ko man lang naisip na marumi pala haha. Yun kapitbahay nga namin pagkasawsaw ng fishball sa sauce, biglang may dumaan na jeep, medyo maalikabok pa naman noon sa kalsada. Tinakpan niya ang ilong niya, hindi ang kakainin na fishball. M...