Yun estudyanteng umaasa na malamig raw sa classroom kasi sayang naman daw ang pagsuot niya ng panlamig. Pagtingin ko nga sa kanya amg suot niya yun ginantyilyo na sweater! So dapat yun classroom ang mag adjust sa outfit niya? Ano naman kaya ang mga sa second floor lang pala pupunta, pero mas pipiliin maghintay sa elevator mula first floor. Mas matagal pa ang tinayo nila kaysa kung aakyat ng hagdan. Iniisip ko, imbalido ba sila? Disabled? May pilay? Wala naman mga dala kung hindi cellphone. Minsan mayroon maliit na bag. Pero hindi naman masyadong makakadagdag sa sakit ng tuhod nila iyon. Sabagay marami ngang nag-eenroll pa sa eskwelahan pero ayaw naman na may pasok. Kapag nag-enrol, ang tawag sa iyo ay mag-aaral, pero bakit maraming ayaw naman mag-aral? Yun iba nagbabasa lang, pero hindi iniintindi ang binabasa. Pumapasok ang pisikal na katalan, pero hindi ang utak/kamalayan. Mayroon rin yun mga mahilig mag coffee shop pero ayaw uminom ng kape. Haha. Guilty! Gusto ko yun amoy ng ka...