Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2025

Ano ang Language of Love mo?

Parati na lang itong tinatanong lalo na nitong bago mag February 14. Noong unang beses siya sinabi ng kaibigan ko dati ay hindi ko ito maintindihan. Ano nga ba ang love language ko? Bakit ba ito inaalam? Sabi sa pag-aaral ang bawat tao ay may sariling paraan ng pagpapakita ng pag mamahal o pagtangi sa mga taong mahalaga para sa kanila. Ito rin ang paraan na hinihintay nila mula sa mga taong nagmamahal sa kanila or nagpapahalaga sa kanila. Noong nag test ako, ang lumabas quality time raw ang sa akin. Siguro kaya ako naiinis kapag hindi ako pinaglalaanan ng panahon. Pakiramdam ko kapag ang mga tao ay hindi kaya magbigay ng oras sa akin ay hindi ako mahalaga sa kanila. Kapag rin hindi ako binigyan ng oras, sa susunod ay hindi ko na rin sila bibigyan ng oras ko. Para sa akin, my time is precious. Ayokong sinasayang ang oras ko. Ayoko rin nasasayang ng oras. Kapag nagsabi sa akin na makikipagkita ang isang tao, dapat ito ay mangyayari. Kapag bigla akong hindi kinita, hindi na ako ulit basta...