Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2025

Ano ang halaga ng buhay mo?

Minsan nakakarinig tayo ng reward para lang mahanap ang isang tao. Minsan makakarinig rin tayo na mayroon mga nagbayad para lang mapatay ang isang tao. Tinapatan ng halaga sa pera ang buhay ng isang tao. Pati nga ang mga alagang hayop may katapat rin na halagang perang pabuya para sa mga makakapagbalik sa mga amo nila. P ero sa ating mga ordinaryong tao, naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka ba ipinanganak at nabubuhay pa rin ngayon? Ano ba ang halaga ng buhay mo? Magkano kapag nilagyan ng halaga sa pera ang importansya mo rito sa mundo? Noong nasa kolehiyo pa ako parati ko nang tinatanong iyan. Bakit ba buhay pa rin ako? Noong panahon na iyon ay naisip ko ayoko na sana lumagpas sa 18 years old noon. Tapos dumating ang ika-18 kong kaaarawan. Hay . Sumunod naman ay naisip ko, ok sige umabot na ako ng 18, pwede ba ayoko na umabot pa sa edad na wala na sa kalendaryo. Ayun, ilang taon na akong wala sa kalendaryo ngayon. Buhay pa rin at araw araw pa rin nagtatanong, ano nga ba a...