Minsan ang bilis ng araw. Minsan nalilito na ako kung anong araw na ba talaga sa sobrang pagod. Pakiramdam ko parating Biyernes na sa pagod. Madalas rin kasi kahit dapat walang pasok, wala pa rin katapusan ang mga kailangan gawin sa trabaho o sa mga bagay bagay sa buhay. Kung bibilangin ang oras ng tulog mo sa loob ng isang linggo ay hindi ka pa aabot sa isang araw o 24 oras! Tapos tatanungin ka pa ng mga tao kapag bigla ka nagkakasakit o mukhang stress???? Kapagod. Kaya natawa ako noong nakita ko ito sa Instagram (@kttm_phil): Naka-relate ang pagod ko. Mayroon nga bang advance hotline kapag ganito? Paano kaya kung malalaman mo kailan mauubos ang lahat ng energy na mayroon ka at ma schedule na ang pickup syo ng St. Peter o kaya ni San Pedro? Nakakapagod lumaban kung parang walang nangyayaring bago. Para bang kahit anong gawin mo ganun pa rin ang lahat. Parang bale wala ang effort mo. Kapagod. Nakakapagod kapag parang lahat nang nagbibigay ng direksyon sa iyo ay wala na. Kapag laha...