Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2024

Sanay ka ba sa karayom, check-up, o mga sugat?

Yun ibang tao, sanay na magpa check up sa doktor. Yun ibang katulad ko naman ay hindi. Sa totoo lang, naiilang pa rin ako kapag kailangan na hawakan ako o kung kailangan ko mag hubad sa harap ng ibang tao para magpa check up. Ilang beses ko lang siya ginawa.  Pero ang mas kinakatakot ko ay ang matusok ng karayom. Kaya dati noong bata pa ako tuwing pinapa vaccine ako ng nanay ko ay binibigyan ako ng kendi ng doktor. Hindi ko rin tinitignan ang pagtusok niya sa akin. Pagkatapos naman ako maturukan ng vaccine ay binibigay sa akin ng doktor ang pang-injection. Tinatanggal lang niya ang karayom. Pinaglalaruan ko naman ang injection. Doon ata nagsimulang umasa ang nanay ko na sana paglaki ko ay maisipan kong mag doktor.  Nakakabilib talaga ang mga tao na nasa medical field. Hindi ko alam paano nila kinakaya ang mga ginagawa nila. Kahit isipin ko pa na sana nga sinunod ko ang nanay ko na mag doktor para masigurado na maganda ang kita ko kumpara sa pinili kong buhay, ay hindi talaga k...