Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2024

'Onli in da Pilipins': Ano ang mga naituturing na 'normal' sa Pilipinas?

Ano nga ba ang mga nagiging normal para sa atin sa Pilipinas? Bukod sa TRAPIK, BAHA, WALANG PASOK, KORUPSYON, MAHIRAP/WALANG MASAKYAN, MAYROON MGA NAG-RARALLY, at MABAGAL NA SISTEMA, ano pa ba? Hindi mo alam kung hindi lang ba tayo marunong magbasa ng mga nakalagay na bawal. Kasi kahit nakalagay bawal, doon pa lalo ginagawa ng mga tao. Ano ba iyon suggestion lang? Na kung ayaw sundin, ayos lang? Katulad ng nakasulat na “NO LOADING UNLOADING.”  Nakalagay na bawal magbaba at magsakay pero doon pa naghihintay ang mga tao ng sasakyan. Ano naman kaya ay doon papara upang bumaba. Minsan naman kasi ang layo ng sakayan at babaan kaya yun mga tao tinatamad na sa tamang sakayan at babaan maghintay/sumakay/bumaba. Minsan naman malapit na lang ang lalakarin, hindi pa sasabay sa pagbaba ang mga tao. Kaya ang mga sasakyan tigil ng tigil. Nakakasayang ng oras ng mga sakay, nakakadagdag pa sa trapik. Onli in da Pilipins? Ang mga waiting shed nga dito hindi maaring upuan. Hindi maaaring paghintayan...