Posible ba na isang araw magising ka na lang sa katotohanan na wala na ang pagnanais na makasama pa ang taong pinahalagahan mo ng sobra? Posible ba na ang closure ay hindi na kinakailangan pang umabot sa pagkakakataon na masabi ang mga dapat sabihin? Hindi na kailangan makapag-usap pa upang maging malinaw ang lahat. Posible ba na ikaw na lang sa sarili mo ang nagsara ng isang kabanata sa kwento mo? Hindi naman dahil hindi ko na siya mahal, pero natanggap ko na lang na hindi na siya babalik. Dati ang gusto ko sana ay magkausap kami ng personal para maayos na maisara ang kwentong ito--para wala nang mga "what if" na matitira. Pero ngayon ay natanggap ko na lang na ang kawalan ng "closure" ang katapusan ng kwento namin... Kaya hindi na ako naghihintay na magkausap pa kami para maayos akong makapagsimula sa buhay ko. Nawala na lang ang konting nararamdaman na natira sa akin dati. Naaalala ko tuloy ang ilang bagay na inuulit sa Landmark Forum: "life is empty and mea...