Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2024

Paano ba magkaroon ng bagong simula sa buhay?

Pagkatapos ng COVID19, marami ang nabago sa mga bagay bagay. Mas tumaas na ang presyo ng mga bilihin. May mga taong nawala, may mga taong umalis, at mayroon rin mga bagong nakilala. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay, pati na rin ang mga tao ay mayroong mga pinagbago.   Sa daming nangyari sa akin noong panahon na iyon, isa bagay na talagang iniiisip ko ngayon ay paano ba ako magkakaroon ng bagong simula sa buhay? Paano ba ako magpapatuloy mabuhay ng wala na ang mga mahal ko sa buhay? Paano ba ako magsisimula ulit sa buhay, ngayon na mag-isa na lang ako? Sabi nila upang bigyan ka ni Lord ng bago, dapat bitawan mo ang mga luma. Marami na akong binitawan. Yun isa, ilang beses ko nang binitawan. Lalo na kapag napapagod na ako sa mga bagay na walang linaw. Pero naisip ko rin na baka hindi pa ito ang tamang panahon para kalimutan siya?  Sa proseso ng pagbitaw sa mga bagay na luma ay binalikan ko ang mga bagay mula sa nakalipas. Bumalik ako sa kung saan nangyari ang lahat ng nagbago sa bu