Naghintay ka na ba sa taong gusto mo? Gaano ba katagal dapat maghintay? Buwan, taon? Sa panahon na sanay ang mga tao sa instant, uso pa ba ang paghihintay sa taong mahal mo? Sabi ng iba, ang panahon ng paghihintay ay makakatulong upang malaman kung totoo ba ang nararamdaman mo, kung mahal mo ba talaga siya, o kung mahal ka nga ba talaga ng taong hinihintay mo. Para sa iba, dapat hindi naghihintay. Kung mahal ka, mahal ka. Kapag hindi siya handa ngayon, ibig sabihin hindi siya ang para sa iyo. Hindi na pinapatagal iyon. Para bang pumara ka ng taxi o pag nagbook ka ng Grab, Angkas o JoyRide na kapag dumating dapat lumabas ka na agad. Maiksi lang daw ang buhay para sayangin sa paghihintay. Para naman sa iba, dapat sandali lang. Tama na raw ang ilang buwan. Kapag hindi pa rin nagbalik / naging handa para sa iyo ang taong hinihintay mo, ibis sabihin panahon na ito upang kalimutan siya. Kapag tumagal pa raw kasi, sign na ito na ibig sabihin ay hindi siya talaga para sa iyo. P...