Sa mga mag-aaral, graduation ang pinakahihintay na araw. Madalas natin naririnig ang ‘congratulations’ bilang pagbati sa mga nagtatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay susunod na ang tanong kung ‘saan ka na pagkatapos ng graduation?’ Dahil sa totoo lang ang isa rin sa mga dapat na sinasabi pagkatapos ng congratulations ay ‘welcome to the real world’ na ang kasunod. Simula pa lang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay. Naalala ko tuloy noong graduation ko sa college. Bago pa dumating ang araw ng graduation ko ay mayroon na akong trabaho. Kung nabasa niyo ang kwento ni Mr. Fire-lirt ay mainit indian niyo ito. Sa totoo lang, sinabi ng isan professor namin na mas maganda raw na magpahinga muna o magbakasyon pagkatapos ng graduation. Sabi niya lalo daw para sa mga lalaki kasi inaasahan na silang tuloy tuloy na magtatrabaho hanggang retirement age. Samantalang ang mga babae naman daw ay maaaring tumigil sa trabaho kung manganganak. Pero ako, hindi p...