Parati natin sinasabi ng mga Pilipino na sana mas maganda ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino. Sa dami ng napapanood natin na gawa sa ibang bansa lalo pa ngayon na mayroon nang Netflix, Amazon Price, at iba pang streaming sites ay mas marami nang mapagpipilian ang manonood. Habang ang laki na rin ng tinaas ng presyo ng sine. Kaya naman mas marami ang pinipiling manood na lang sa sa mga streaming site kaysa sa sinehan maliban na kang kung mga Hollywood film ang palabas. Kahit gaano kamahal ay pinipilahan ng mga Pilipino. Ngunit paano naman makakagawa ng magagandang pelikula ang mga gumagawa ng mga pelikula ng Pilipino kung hindi natin sinusuportahan ang ang ginagawa nila? Isa kasi ng malaking investment ito. Nitong 2023, unang ginanap ang pinaka unang Summer Metro Manila Film Festival sa bansa. Sa totoo lang ay dalawa lang ang napanood ko habang sinusulat ko ito kasi wala naman akong libreng ticket. P330 pa naman ang isang ticket at wala rin akong masyadong oras para...