Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2023

Sumasakay ka ba sa Pampublikong Sasakyan sa Pilipinas?

Pasukan na naman sari-saring kuwento ng pagcommute ang nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino. Sabi nila hindi lang sa komunikasyon at imprastruktura masusukat ang antas ng kaunlaran ng isang bansa, kung hindi na rin sa sistema ng pampublikong sasakyan. Sa mga bansang mas mataas na ang antas ng kaunlaran ay mas maganda ang Sistema ng pagsakay sa pampublikong sasakyan. Kapag maayos ito ay makakapunta ka sa iba’t ibang parte ng bansa ng maayos kahit wala kang sariling sasakyan. Kaya lang dito sa Pilipinas lalong lumalala ang pagsakay sa pampublikong sasakyan. Ito na ata ang sinasabing ‘may forever’.  Hindi ako lumaking madalas na sumasakay sa pampublikong sasakyan kahit na hindi naman kami mayaman. Sinikap ng mga magulang magkaroon ng sariling sasakyan dahil malayo ang bahay namin sa pinapasukan ng mga magulang ko. Dahil rin ako ang bunso at babaeng anak, kaya ito rin ang dahilan kung kaya hindi ako nasanay sumakay sa pampublikong sasakyan. Natatakot akong sumakay ng mga pampub...