Ayon sa balita, ay papayagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face mask basta hindi sa mga pampublikong sasakyan at medical facilities, tulad ng ospital. Mayroon mga natuwa, ngunit mayroon din mga hindi sumasang-ayon dito. Kaya ang tanong: dapat bang mag-suot pa ng face mask o dapat na itong itigil na? Face Mask: To Wear or Not To Wear? Mabuti pa ay suriin natin ang mabuting naidulot pati na rin ang hindi mabuting naidulot ng pag-susuot ng face mask kaya ito dapat tanggalin. Bakit ba dapat itigil na ang pag-susuot ng face mask? Una, dagdag gastos ang face mask. Sa dami ng gastos ngayon, patuloy na pagmamahal ng bilihin ay sana hinid na dumagdag pa sa gastos ng mga ordinaryong Pilipino ang pagbili ng face mask. Pwede naman daw magsuot ng washable face mask, kaya lang kulang ang proteksyon na maibibigay nito mula sa mga virus lalo ang COVID. Ang matitipid mula sa gastos sa face mask ay dagdag na sa pambili ng pagkain. Naisip ko nga noong katindihan ng pandemi...