Setyembre na naman. Simula na naman ng pinaka-mahabang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas. Unang araw pa lang ng buwan ay bidang bida na naman si Jose Mari Chan. Ang daming memes ang makikita tungkol sa kanya. Nakakatuwa na lumaki tayo na naririnig ang mga kanta niya lalo na ang Christmas Album niya. Noong bata pa ako ay paulit-ulit na pinapatugtog ng nanay ko sa bahay ang album niya. Kung makakapag-reklamo lang siya na pagod na siyang kumanta ay baka nagawa niya. Nakabisado ko na ang mga kanta doon sa album niya. (Kabisado lang, wala akong sinabing nakakanta ko ng maayos ang mga ito). Kasama na sa alaala ng kabataan ko ang mga kanta niya kapag Pasko. Kung iisipin ilang taon na tayong nasa ilalim ng pandemic, pero ang mga Pilipino parang wala nang COVID sa araw-araw. Nakasanayan na ang may mask. Maaari nang mag diwang ng kapaskuhan kahit hindi kristiyano. Maaari na rin lumabas ang mga senior citizen ngayon. Naaalala ko yun meme noong isang taon na bawal raw lum...