Kahit saan atang parte ng mundo ay nangyayari ang scam. Napaka-creative ng mga scammer. Siguro nga ang motto nila “if there’s a will, there’s a way”. Iba iba ang mga pakulo nila makapanloko lang sa mga tao. Sumasabay rin sa pagbabago ng mundo ang mga manloloko. Hindi nahuhuli ang strategy ng mga scammer sa latest. Sila ang magpapatotoo na “nothing is impossible”. Nakatanggap ka na ba ng text, e-mail, tawag mula sa scammers? Mas masipag pa silang magpadala text, e-mail at tawag kasya mga mahal natin sa buhay. Madalas yun mga kakilala natin ang damin dahilan: walang load, sira ang cellphone, busy, atbp. Habang ang mga scammer, lahat ng dahilan para ma-contact ka gagawin. At in fairness sa kanila, walang pinipiling oras! Parati kang naaalala (at least may nakakaalala s'yo). haha. May trabahong naghihintay sa iyo na malaki ang sweldo. Totoo? Nanalo ka ng pera kahit wala ka naman sinalihan na raffle. Kaya lang maglalabas ka raw ng k...