Bakit nga ba mahal maging malusog? Buwan raw ng nutrisyon ang Hulyo kaya parati tayong nakakarinig ng mga nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon. Kaya lang sa panahon ngayon, mahal ang maging malusog. Totoo nga ang sabi nila na “health is wealth”. Dahil kailangan mo ng “wealth” upang maging malusog. Kung dati ay mura lang ang mga pagkain na masustansya ay mahal na ngayon. Kung dati ay mura lang ang mga gulay, ay mahal ito ngayon lalo na pagkatapos ng mga bagyo. Hindi raw masyadong masustansya ng dory sabi nila kaya kung bibili ng isda dapat raw yun salmon. Kaya lang ang mahal naman ng sariwang salmon. Mahal rin ang mga ‘organic’ na pagkain. Mahal rin ang mga almond milk, soy milk, yogurt. Kaya naman ang mga pinagkakasya lang ang kita sa isang araw ay pinipili na lang ang maaring mabili ng mura. Ano ba ang mga mura? Sardinas at instant noodles. Sa iba naman na may trabaho ay ang mga madaling iluto na lang: hotdog, tuna, tocino, longg...