Parte ng kultura ang mga pelikula. Kinalakihan na ng bawat tao ang panonood ng pelikula. Sino bang tao ang hindi pa nakapanood ng kahit isang pelikula? Hindi ko na matandaan kung ano ang unang pelikulang napanood ko, pero ang sigurado ako ay kasama ko ang pamilya ko. Parati akong hila-hila ng nanay ko bilang bunso kasi ako. Noong hindi pa uso ang cable TV, Internet, at Netflix, tuwing linggo ng gabi ay inaabangan ng mga pamilya ang palabas sa ABSCBN. Sabay sabay na manonood ang mga pamilya. Doon ko nakilala ang mga artistang Pilipino pati na rin mga dayuhan. Naaalala ko linggo ng gabi mayroon palabas sa TV si Max Alvarado. Elemetarya pa lang ako noon pero hinayaan na nila ako mag-aral mag-isa para sa pagsusulit ko kinabukasan dahil nanonood na ang buong pamilya ko ng pelikula. Habang nag-aaral ako ay naririnig ko ang palabas, pati na rin ang mga reaksyon nila. Mukhang ma-aksyon ang mga eksena base sa naririnig ko. Napansin ng isang nakakatanda kong pinsan na siyang na...