Bakit nga ba tayo natatakot sa usapin ng kamatayan? Bihira siguro ang taong makakapagsabi na hindi siya takot mamatay. Hindi ko maintindihan ang mga nagsusuot pa ng mga costume at naglalagay ng makeup na parang zombie, vampire, at kung anu-ano pang nakakatakot na nilalang lalo kapag Halloween. Mabenta rin ang mga horror film at horror episode ng mga palabas sa TV kapag ganitong panahon. Hindi ko sinabing isipin na kunin ang sariling buhay, dahil ibang diskurso pa iyon. Isusulat ko rin kapag may pagkakataon. Pero bakit kapag tungkol sa sarili nating katapusan ay ayaw natin itong isipin at pag-usapan? Kapag bata pa… “Bata pa ako. Marami pa akong kailangan gawin sa mundo.” Kapag matanda na… “Hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong gawin sa mundo.” Hindi pa nila nasusulit ang paglalagi nila sa mundo. Kailan ka ba magiging handang mamatay? Bakit kaya headlines sa mga barberya, parlor, karinderya, umupukan ng mga tsimosang kapitbahay kapag may namat...