Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2021

Paano ba talaga ang ‘adulting’?

          Iba-iba ang panahon ng 'adulting' ng mga tao. May mga tao na hindi pa umaabot sa adolescence period, kailangan nang dumaan sa adulting process. Kailangan na nilang mag-mature sa pag-iisip at pagkilos bago pa sila mag-dalaga o mag-binata. Ang iba naman pagkatapos ng kolehiyo nagsisimula na mag-mature. Habang ang iba ay maraming taon na ang nakalipas matapos mag-aral doon pa lang nagsisimula mag-mature.  Matanda na ang iba doon pa lang nagsisimulang mag-mature. Sandaling panahon na lang ang hihintayin nila papunta na sila sa pag-iisip bata ulit.               Paano ba nangyayari ang adulting? Depende sa mga nangyayari sa buhay natin, pati na rin sa kondisyon natin sa buhay. Nangyayari ito kapag dumadaan tayo sa hirap sa buhay pero wala tayong ibang maasahan para tulungan tayo. Doon tayo napipilitan mag-mature. Kailangan natin maging mas responsible na sa buhay. Adulting rin kapag natuto na tayong isipin a...