Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Bakit Kailangan Magkamali?

Bakit nga ba kailangan magkamali? Sabi nila ang pagkakamali ay mahalaga sa buhay natin. Kailangan raw natin magkamali dahil ito ang paraan upang matuto tayo. Natututo naman tayo ng hindi kailangan magkamali, ngunit sa pamamagitan ng pagkakamali lamang natin mas natututunan ang dapat natin maintindihan. Mayroon raw kasing mga bagay na natututunan nga natin pero madali rin natin nalilimutan. Ngunit kapag ito ay sa pamamagitan ng isang pagkakamali, mas tumatatak ito sa isip natin. Kapag mas malaki ang kapalit upang matutunan natin ang mga bagay, ay mas tumatatak ito sa isipan natin. Parang sugat, kapag mas masakit at mas malaki ang sugat, mas malaki ang peklat, kaya mas maaalala rin natin ito.  Noong bata pa ako ay nag-aaral akong mag-bike sa amin. Ginagaya ko ang kapatid ko at mga pinsan ko na nakikita kong sinusubukan bumaba ng mabilis mula sa tuktok, naka bike man sila o naka sakay sa skate board. Para Kang nasa mabilis na rollercoaster. Kaya lang bigla kong niliko ang bike at...