Bakit nga ba ang hirap kumita ng pera? Sabi ng marami mahirap raw kumita ng pera kasi mahirap ang Pilipinas lalo na sobra na ang kurapsyon sa gobyerno. Dahil raw dito ay patuloy ang pagtaas ng bilihin kaya kahit anong gawin ng mga tao pang kumita ng pera ay hindi pa rin ito sapat. Lahat nga raw ay nagmamahal sa Pilipinas, pwera lang ang mga tao. Kulang raw ang mga sinusweldo ng mga Pilipino para sa pang araw-araw na gastusin. Kaya naman ang maraming Pilipino ay mas pinipiling mangibang bansa na lang upang kumita ng mas malaki. Sinong Pilipino ba ang walang kamag-anak or kakilala na nasa ibang bansa para magtrabaho? Pero hindi rin naman lahat ng nagpupunta sa ibang bansa ay masasabing madali ring kumita ng pera sa ibang bansa. Hindi rin naman lahat ng mga nagtrabaho sa ibang bansa ay nagtatagumpay. Ang iba naman ay pinipili ang trabahong malaki ang sweldo kahit na hindi ito ang talagang natapos nila. Isa na rito ang Call Centers. Sino ba ayaw kumita ng malaki? Mara...