Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2017

Bakit Ba May "Utang na Loob"?

Bakit nga ba mayroon tayong tinatawag na “utang na loob” sa ating mga Pilipino? Ano nga ba ito na parati na lang natin naririnig?  Minsan mayroon ang mga Pilipino, minsan naman wala. Naituturo ba ito sa paaralan? Ikayayaman mo ba ito? Ika-babawas ba ito sa iyong bilbil?  Isang paraan ng pasasalamat kapag marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Ito ba yun sinasabi sa Ingles na “looking back to where you came from”? Dahil hindi tayo makakarating sa kasalukuyan kung hindi sa nakaraan.  Isa rin itong sukatan ng ating pagkatao. Katulad ng kasabihan, “ang hindi marunong tumingin sa nakaraan ay hindi makakarating sa patutunguhan”. Hindi lang naman icon tungkol sa pag-alala sa kasaysayan, ngunit pati sa pagbigay ng pagpapahalaga sa mga tong nakatulong sa atin lala na sa mga pagkakataon na nangangailangan tayo ng tulong. Sila yun mga taong naniwala sa rating potensyal.  Kung sang “investment” ang pagtulong, kailangan kahit papaano ay marunong tayong magbali...