Ang traffic! Ang init! Ang hirap! Ang tagal! Ang bagal! Lahat na lang nirereklamo natin. Minsan karekla-reklamo naman talaga. Minsan. Naiinip lang tayo. Minsan sobra naman talaga. Kaya lang madalas rin hanggang reklamo lang tayo. Minsan doon lang tayo magaling. Hindi na natin hinahanapan ng paraan ang mga bagay. Kalit ilang beses mo ulitin na ma-traffic ay hindi naman nababawasan ang traffic. Kahit ilang beses mo ulitin na mainit ay hindi naman lumalamig. Kahit ilang beses mo uliting na mahirap ang mga bagay ay hindi naman dadali ang mga ito. Kahit ilang beses mo sabihin na matagal ay hindi naman bigla na lang darating ang hinihintay mo sa harap mo sa oras din na iyon. Kahit ilang beses mo sabihin na mabagal ay hindi naman bumibilis ang ang sistema. Kung nakakabawas nga lang ng traffic ang mga reklamo natin ay siguradong para Kung nakakabawas lang ng init ang bawat pagsambit natin ng mga salietang “ang init!” ay siguradong para na...