Puwede na ba ang "Puwede Na"? Bakit nga ba sa ating mga Pilipino madalas natin naririnig na "puwede na (yan)"? Kaysa naririnig natin na, "hindi puwede ang puwede na." Effort paghirapan ang 100 na grade. Effort magkaroon ng Honors. Hindi naman lahat ng nag-aaral ng mga 100 na grade sa card o may honors pag graduate ay yumayaman. Oo, pero yun alam mong binigay mo ang lahat lahat ng makakaya mo para sa kung ano man ang makukuha mo habang nag-aaral ka ay tunay na makakapagpasaya sa iyo maraming taon man ang lumipas. Hindi ang pangongopya sa kaklase o sa mga nakalagay sa internet ang solusyon. Hindi ang paglalaro ng Dota o kaya ay mag update ng Facebook timeline ng bawat minuto ang magbibigay sa iyo ng pangmatagalan at tunay na kaligayahan. Hindi ang pag una sa pakikipag-boyfriend (o girlfriend) kaysa gumawa ng assignment o mag-aral para sa exam ang magpapaligaya sa iyo. Pwede na sa iyo ang pasado lang? Parang sa buhay yan eh. Dahil sa ngayon pwe...