Ang tanong ng marami: bakit ba may 'paasa'? Madalas mong maririnig ang salitang 'paasa'. 'Asa ka pa', 'asa pa more', 'paasa lang', 'huwag kang paasa'. Marami ngang 'paasa' talaga. Halos lahat na ata ng tao nagiging 'paasa' minsan sa buhay nila. Kahit tayo mismo guilty tayo diyan dahil hindi naman yan limitado sa larangan ng pag-ibig ngunit sa ibang bagay sa araw-araw nating buhay. Masalimuot na usapin ang tungkol sa mga 'Paasa' . Ngunit bago ang lahat ay paano ba natin maiintindihan ang salitang 'paasa'? Mula ito sa salitang ugat na 'asa'. Ayon sa www.tagalog-dictionary.com, ang mga kaugnay na mga salita ng 'asa' ay: hope, expect, trust, promise, view, desperate, chance . Sabi naman sa tagalog.pinoydictionary.com, ang mga salitang pag-asa ay: hope, trust, dependence, chance, anticipation . May 'FILIPINO TIME' nga ba o sadyang 'PAASA' lang? Nagkasundo kayo n...