Mahirap nga ba ang Pilipinas? Bakit sabi nila naghihirap daw ang Pilipinas? Bakit nga ba parati nating naririnig na sabi sa ibang bansa mahirap daw ang Pilipinas? Mahirap nga ba ang Pilipinas? Bakit Punong-puno ang mga mall parati? Dati wala ka masyado makikita sa mall kapag maaga pa at Lunes hanggang Huwebes. Bakit ngayon tila wala nang pinipiling araw at oras ang pagdagsa ng mga tao sa mall? Nagpapalamig lang sila? E bakit patuloy sa pagdami ang mga tinatayong mall? Ibig sabihin ba ayos lang sa mga nagmamayari ng mga ito na magtayo ng mas maraming palamigan ang mga Pilipino? Bakit kapag pumunta ka sa parking area ng mga mall at pasyalan ay sangkatutak ang mga sasakyan dito? Parang pumunta ka lang ng EDSA at C5. Punong-puno ng sasakyan. Madalas trapik. Mas madalas pa ang tigil kaysa ang paggalaw ng sasakyan. Nagiging isang malaking parking lot ang mga ito. Hindi lang basta jeep at bus o mga mumurahing mga sasakyan ang makikita mo sa kalsada, pati mga mamahalin na sasakya...